"Doon po sa amin
Sa bayan ng San Roque
May nagkatuwaang
Apat na pulubi
Sumayaw ang pilay
Kumanta ang pipi
Nanood ang bulag
Nakinig ang bingi."
- from a Filipino Folk Song-
Dito sa Saipan, madaming kakaiba. Bukod sa mga itsura ng mga tao at ugali nila, heto pa ang ibang mga bagay-bagay na kakaiba dito sa isla. Nung makita namin ng mga kaibigan ko ang sign sa Marpi pool, hindi namin napigilan ang matawa ng malakas. Halos maglupasay kami sa katatawa kasi ang kulit-kulit ng sign. Tapos yung Bing,Beng,Bang na pangalan ng restaurant. Naaliw kami ng sobra. Kapag nalulungkot ako at sobrang homesick, tinitingnan ko ang mga pictures na ito. I find them really funny. Dito lang sa Saipan meron nito.
"Blood Stains" on the Pavement

Madami kang makikitang "blood stains" sa mga daraanan mo dito. Sa sidewalk, madami kang mapapansin na "Dugo" Pero huwag kang matakot. Hindi dugo yan. Walang lasenggong nag-away at nagsaksakan kagabi. Galing yan sa mga bibig ng mga typical na Chamorro. Ano yan? Hulaan mo!
Elephant Market
Ano kaya ang binebenta nila sa tindahang ito? Nagbebenta kaya sila ng elepante? Mala-elepante kaya ang tindera? O kasing laki ng elepante ang mga tinitinda nila? Kung nagbebenta sila ng elepante, magkano naman kaya ang isa? May baby elephant kaya? Hmmmm........makapag window shop nga..........Arrrggghhhh!!!! Natapakan ako ng elepante!!!!!!!!!
Mga nakatutuwang pangalan ng tindahan dito sa Saipan
HAPPY MARKET - This created a bit of confusion for me. Are the owners trying to describe the store per se? Or are they describing the stuff they are selling? Is the market really happy? Or is this the place where you could buy "Happiness?"
NEW HAPPY MARKET - If this is the "New" happy market, where is the "Old" happy market? O di ba? Nalungkot na ba kaya nagpalit ng pangalan? Subsidiary kaya sya ng Happy Market?
NEW DOLPHIN WHOLESALE - Bawal magbenta ng dolphin di ba? Endangered specie yun. Ano naman kaya ang gagawin mo sa dolphin na binili mo sa tindahang ito? And take note, wholesale ang bentahan. Bawal ang tingi o retail.
Ang Sign sa Marpi Pool
Hindi rin masyadong makulit ang sign na ito di ba? Pag nagpumilit ka pa namang pumasok sa pool kapag walang lifeguard, aba eh, ewan ko na lang. Sinabi na nga na "All other times the pool is closed to swimmers. No lifeguard on duty when the pool is closed."
Ang pinaka-creative na pangalan para sa isang restaurant: BING, BENG, BANG
Ano kaya ang specialty dun sa restaurant na yun. Nasa may Garapan area ito. Tanghaling tapat nga nung kinuhanan ko ng picture ito eh. Ang tyaga ko rin ano? Ganito yata talaga kapag super bored at walang magawa. he!he!he!
No comments:
Post a Comment