Wednesday, December 27, 2006

Of Poker Houses and Pawnshops


A Typical Poker House


One of the Pawnshops along the Beach Road



Dito sa Saipan, madaming "Pokeran" at Pawnshops.

Ang "Pokeran" ay ang mga Poker Houses. Kung sa Pilipinas, bawat kanto may sari-sari store, sa Saipan, Poker House naman ang makikita mo bawat kanto.

24 hours, 7-days a week ang operations ng Poker House. Minsan may guard na nagbabantay, minsan wala.

Nakapasok na ako sa loob ng Poker House. Ang dati kong landlady ay naglalaro ng Poker, at minsan hinanap ko siya para manghiram ng susi. Aba, nasa loob sya ng Poker House!

Madilim ang loob ng Poker House. Malakas ang aircon kaya malamig. Sa loob ng Poker House ay may mga Poker machines at duon naglalaro ang mga Poker addicts.

Para kang maglalaro ng slot machine. Maghuhulog ka ng pera, tapos pipindutin mo ang buton. Kapag nanalo ka, lalabas sa machine ang perang mapapanalunan mo. Sa machine ay nakalagay ang mga choices. 2 of a kind. Full HOuse. Flush. Royal Flush. Ewan. Hindi ko maintindihan kasi hindi naman ako madunong maglaro ng poker.

Sa Poker House na napasukan ko, may limang poker machines. Ang landlady ko ay naglalaro sa isang dulo. Samantalang may isang mama na naglalaro sa kabilang dulo. May dala-dala siyang pagkain. Mcdonald's burger at isang large coke. Sa palagay, matagal na siyang naglalaro. Addict siguro.

Sabi ng mga nakakausap ko, karaniwang walang tao sa Poker House kapag umaga. Sa madaling araw daw napupuno ang Poker Houses.

"Bakit?"

"Kasi nagtatago sa mga kamag-anak ang mga naglalaro ng Poker. Kaya sa madaling araw sila nagpupunta."

"Mga addict nga."

Maraming kwento din akong narinig na maraming mga kapwa OFW ang nalulong sa Poker. Kumakain na lang ng "soba" (instant noodles) para makapaglaro lang ng poker. Naisip ko, na kung ang isang construction worker na sumasahod ng minimum wage ($3.05/hour), tapos puro soba lang ang kinakain dahil lulong na sa Poker, aba, hind malayong mangyari na magkasakit at mapauwi sa Pilipinas ang taong iyon.

Katabi halos ng mga Poker Houses ay mga Pawnshop naman. Dito sa Saipan, lahat pwede mong isanla. Bukod sa alahas pwede kang magsanla ng aircon, gitara, microwave at Wow! Magic Sing. (Minsan naimbitahan kami sa opening ng isang pawnshop. Aba, ang daming magic sing na nakasanla! Lahat ng models meron. Mula sa pinakaluma hanggang sa pinakabagong modelo.)

It makes perfect sense hindi ba? Maglaro ka ng Poker, tapos kapag natatalo ka na at nauubusan na ng pera, pumunta ka sa pawnshop para magsanla. Dagdag pondo para sa poker game. Tuloy ang ligaya. Panandaliang aliw para kahit sa ilang mga sandali makalimutan ang lungkot. Makalimutan ang problema. Makalimutan ang dahilan kung bakit nangibang-bansa.







No comments: