Madalas sumasagi sa isip ko ang mga tanong na ito:
1. Kung nanatili kaya tayo sa ilalim ng gobyerno ng Amerika nung panahon ng Commonwealth, magiging katulad din kaya ng mga Chamorro ang lifestyle nating mga Pinoy?
1. Kung nanatili kaya tayo sa ilalim ng gobyerno ng Amerika nung panahon ng Commonwealth, magiging katulad din kaya ng mga Chamorro ang lifestyle nating mga Pinoy?
2. Magiging payak din kaya tayong mag-isip?
3. Sa trabaho, magiging tamad din kaya tayo? Tamad magsumikap at tamad matuto ng higit pa sa simpleng kaalaman?
4. Magiging masidhi pa rin ba ang pangarap nating makarating sa Amerika?
5. Marami pa rin kaya ang corrupt na pulitiko sa atin?
6. Maniniwala pa rin kaya ang karamihan sa atin sa sinabi ni Pres. Quezon na, "I prefer a government run like hell by Filipinos than a government run like heaven by the Americans?"
Kung nasa ilalim tayo ng gobyerno ng Amerika at kabilang sa Commonwealth government, siguro tulad din tayo ng mga Chamorro. Magiging madali sa atin ang mga bagay na katulad ng mga ito.
1. Madali bumili ng sasakyan, bahay at pagkain dahil mataas ang sweldo at kakayanin ng isang simpleng manggagawa ang magpundar ng mga ito.
2. Ang pulis at mga teachers ay matataas ang sweldo kasi Federal funds ang magbabayad ng sahod nila. Ang police car natin magiging Ford Expedition at hindi Tamaraw FX o Toyota Corolla o stainless jeep. Ang school bus yung kulay yellow-gold na kadalasan nakikita sa mga Hollywood movies.
3. Ang mga pagkain natin, pagkain ng Kano. Steak, burger, cake, ice-cream, salad etc. Malalaki ang servings. Siguro, mapagwaldas din tayo sa pagkain. Bibili ng madami tapos itatapon ang sobra. Takaw-mata sabi nga ng nanay ko.
4. Mas dadami pa ang tamad sa atin kasi kapag walang trabaho may government aid naman. May food stamps kaya hindi ka mamamatay sa gutom.
5. Libre ang pag-aaral simula elementarya hanggang high-school. Maganda ang facilities at up to date sa technology.
6. Siguro, lahat ng Pinoy may katulong na Chinese o di kaya Bangladeshi. Mga OCW mula sa mahihirap na bansa. Pagmamalupitan din kaya natin sila tulad ng mga pagmamalupit na nararanasan ng mga DH natin sa iba't-ibang bansa?
7. Konti lang siguro ang mangangarap na mangibang-bansa. Siguro ang mga pangarap ng ordinaryong Pinoy, makapunta ng Amerika para mamasyal lang sa Disneyland o di kaya sa Universal Studios. Hindi na tayo mangangarap tumira doon kasi mga American citizens na tayo. May tatak agila ang passport natin at hindi na kailangan ng visa sa halos lahat ng bansa sa mapa. Mga Kano tayo na nakatira sa Pilipinas. Kapag gusto nating makakita ng snow, pupunta tayo sa New York or sa Chicago para makapaglaro sa snow. Magiging madali lang sa atin ang magbiyahe.
Pero naiisip ko rin na kahit kelan hindi tayo magiging katulad ng mga Chamorro kahit na nasa Commonwealth government tayo.
Sa tingin ko nga eh, siguro tatalunin natin ang mga Kano sa Amerika. Dahil sa likas na talento at talino ng Pinoy, siguro puro Pinoy ang mangunguna sa larangan ng negosyo, siyensya, relihiyon at maging sa sining.
Hmmmm.....kaya siguro pumayag ang mga Kano nung ipaglaban ng mga ninuno natin na tumiwalag tayo sa Commonwealth.
Natakot si Uncle Sam! he!he!he!
No comments:
Post a Comment