Sunday, October 01, 2006

Panalangin Kay Sta. Lea

Naisulat ko ang tulang ito noong September 13, 2006. 5 days after watching that strip show in Chicago-2 club. Ang inspiration ko ay iyong isang customer na mukhang construction worker pero parang ang dami-dami nyang perang binibigay dun sa isang stripper. Napaka-galante nya. Si Lea naman ay pangalan ng isang "waitress" na kaibigan ng isang kakilala. She figured out in an accident a few months ago and her spinal cord was damaged. Ang prognosis, baka hindi na sya makalakad pang muli. 18 lang daw sya pero dito sa Saipan maraming menor-de-edad na "waitress" at puro dinaya lang ang edad sa passport. Ayon sa mga balita, nasa isang ospital sa Maynila si Lea at umaabot ng P60T ang bill nya bawat araw. Nung narinig ko ang balita, 2 weeks na sya sa ospital.


Tanggapin mo nawa ang alay ng iyong alipin
Para sa iyong hubad na katawan
Iiipit ko ang nakarolyong dolyar sa pagitan ng iyong mga hita
At basbasan mo nawa ako ng kahit konting himas
Para man lang maibsan ang pangungulila at lungkot sa islang ito
Santa Lea, malugod akong lumalapit sa paanan mo
Buong puso kong ibinibigay ang katas ng aking pawis at dugo
Alam kong sa iyong mga kamay at mga halakhak
Maaabot ko ang langit
Sa limang segundong halik sa pagitan ng iyong mga dibdib
Mabubura ang pagod
Makakalimutan ko ang lungkot
Mairaraos ko ang aking libog
Bukas, magkakaroon ulit ako ng lakas
Para magbungkal ng lupa
At magbuhat ng semento
Sa ilalim ng nakasusunog at mala-impyernong init ng araw dito sa Saipan
Amen.

No comments: